Talaan ng Nilalaman
Sa pagsasanib ng kultura at tradisyon na hinabi sa bawat Pilipino, ang posibilidad ng bawat cabunger na tila nagnanais na makauwi na sila ng may ngiti sa kanilang mga labi ay napakababa. Dahil pinadali ng teknolohiya ang pagsusugal, marami ang patuloy na natutukso na isugal ang kanilang natitirang pag-asa sa hindi tiyak na labanan ng asul at pula.
Ang Kultura ng Sabong
Mayaman, ganyan mailalarawan ang kulturang mayroon ang Pilipinas. Ang pagkakaiba-iba sa kung ano at paano ipinagdiriwang ang kultura at tradisyon ng libo-libong pulo ng bansa ay ang siyang bumubuhay sa kolektibong ideya ng masaganang kulturang Pilipino.
Mayroong isang kasanayan sa bansa ang siyang naging parte na ng libangang pang-Pilipino, libangang naging bahagi na ng kulturang maka-Pilipino—ang pagsasabong. Ang gawaing ito ay naging patok, hindi lamang sa isang partikular na lugar kundi halos sa buong kapuluan ng bansa.
Ayon sa Oklahoma Historical Society, isang organisasyon mula Amerika, ang sabong ay unang naidokumento sa klasikal na panahon. Ito ay ginagawa ng mga Griyego upang pasiglahin, palakasin at siguraduhin ang kagitingan at kondisyon ng kanilang mga mandirigma.
Kung babagtasin nang mabuti ang bakas ng sabong, masasabing may kalayuan at kahabaan na ang itinakbo nito sa sistemang panlibangan ng Pilipinas.
Pagtalpak sa Espasyong Digital
Sa gitna ng pandemya, binago nito ang sistema ng tradisyunal na sabong na nakasanayan ng bawat Pilipino. Mula sa soltadang dinudumog ng sangkatutak na tao, napunta at umigting ang naturang sugal sa loob ng digital na espasyo na kung tutuusin mas madali at abot-kaya na para sa mga manlalaro mapa-bata man o matanda.
Ayon sa tala, taong 2018 pa lamang nauso na ang pagsasabong online. Sa katunayan, nabahala na noon ang kongreso sa pag-usbong ng nasabing sugal online. Sa naturang artikulo, ibinahagi ni Ako Bicol Representative Rodel Batocabe na naisasagawa ang pagsasabong online sa mga probinsiya nang hindi nakokontrol o na-reregulate ng estado noon.
Ilang taon na ang lumipas, mas lalong namayagpag ang e-sabong nang maging legal at patuloy itong malaro sa gitna ng pandemya. Sa kasalukuyan, ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang nagreregulate sa nasabing pasugalan alinsunod sa PAGCOR charter na nilinaw ng Office of the Solicitor General at Kagawaran ng Hustisya (DOJ).
Bunsod nito, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mas lalong umunlad ang e-sabong ngayong may pandemya. Sa paraang digital, hindi nalalagay sa alanganin ang kalusugan ng mga sabungero ‘pagkat hindi na nila kinakailangan pang sumiksik.
Dagdag pa rito,SW418live hindi na rin kinakailangan pang magbayad ng mga e-sabong ng pisikal na pera ‘pagkat maaari na lamang silang magpa-load upang makataya matapos magparehistro. Mas makabubuti rin ito dahil nalilimitahan ang mga pisikal na kontak sa loob ng sabungan dahil lahat ng transaksiyon mula sa pagtaya at pagkuha ng napanalunan ay online na rin.
Sa Lente ng E-sabungero
Ang pagkapanalo sa sabong, mapa-tradisyunal o digital man ay laro ng tadhana at ang pagsipat sa suwerte ay mistulang pagsuot sa butas ng karayom—maliit ang tiyansa, ngunit napakaraming posibilidad. Sa mabilis na pagtaas ng gumagamit ng e-sabong, halos may pagkakapareho ang naging karanasan at nag-udyok sa ilang mga manlalaro na ipagpatuloy ang paggamit nito.
Ayon kay Romeo Remucal Jr., 37 taong gulang at manlalaro sa Pitmaster live, mahigit isang taon na siyang naglalaro ng e-sabong upang makapaglibang. Ibinahagi rin ni Romeo na “sobrang” nakaaadik ang paglalaro nito dahil gumagastos siya ng P500 hanggang P1,000 kada araw.
Pinapayuhan naman ni Mapoy ang mga Pilipino na kung sa tingin nila ay mayroon ng kasamang adiksyon ang kanilang pagsusugal, magandang magpakonsulta sa isang mental health professional sapagkat importante na magkaroon ng kabatiran kung paano sila matutulungan.
“I-observe nang maigi ang behavior. Okay lang naman ang magkaroon ng libangan, ngunit kung ito ay nakakaapekto na at nagdudulot ng problema marahil dapat bawasan na natin ito,” panapos na payo ni Mapoy.
Online casino naging mas mabilis ang transaksyon, isang pindot lamang ay makakapasok ka na agad sa mundo ng pagsasabong. Marami ang nahuhumaling sa ginhawang saya na ibinibigay sa tao ng makabagong paraan ng paglalaro. Saya na kung minsan ay napapabayaan sapagkat nadadala ng labis na kahumalingan.
Sa bawat laban ng mga manok ay ang bitbit na pag-asa ng mga mananaya, pag-asa na maibabalik ng swerte ang perang inilaan para sa sugal na walang kasiguraduhan.
Ang paglago ng industriya ng sabong sa bansa ay paglago rin ng mga tuksong kayang ibigay nito sa madla. Ito rin ay katumbas ng kaliwa’t kanang mabilis na pagkakahulog sa hindi tiyak na laban. Kung kaya’t nawa’y sa bawat pagtalpak na ginagawa, siguraduhing kasama ang paninindigan na kailanman ay hindi magpapabihag sa laro ng mundong mapanlinlang.